August 20, 2007

Maraming Wika, Matatag na Bansa

This is a repost, originally posted last 8/16/07.

     Noong una kong marinig ang temang “Maraming Wika, Matatag na Bansa” ay naguluhan na agad ako. Paano ba naman magiging matatag ang isang bansa kung sa wika palang ay wala ng pagkakakaisa. Inisip kong maaring nagkamali lang ako ng dinig. Ilang saglit pa ay napaisip ako muli. Hindi ba talaga tayo pwedeng maging matatag sa likod ng mapait na katotohanang hindi tayo nagkakaisa sa isang wika? Kung noo’y ito ang ating sinisisi sa ating mabagal nating pag-unlad, hindi ba natin itong pwede gawing instrumento sa pag-unlad? Mahirap naman sigurong ibalewala ang ilan sa mga wikang ito sapagkat naging bahagi na ito ng ating kultura. Para sa akin, tila bang “parinig” o “tawag” ang dating nito. Parinig na hindi raw naririnig ng mga nagbibingihan; parinig na dapat aksyunan ng natatamaan.

     Tama rin naman ako, bakit hindi natin ito gamiting instrumento sa pag-unlad? Ngunit kung papaano ang unang pumapasok sa isip niyo, kung tama man ako. Isipin niyo nalang, paano niyo ginagawan ng paraan ang mga bagay na nais niyong mangyari? Dyan naman tayo magaling di ba, sa paggawa ng paraan. Hamak na man na mas madali kung ninanais natin ito. Sa tingin ko, ang pagnanais lang na ito ang wala sa atin. Ang ilan sa atin ay masyado na siguro naging makasarili at hindi na natin naisip ang mga bagay na ito.

     Kung tayo’y magkapitbisig patungo sa iisang layuning aksyunan ang tawag na ito ay siguradong magtatagumpay tayo. Huwag na nating hayaang maging hadlang ito sa ating ikauunlad. Tayo nalang ang gagawa ng paraan kung papaano nga ba. Kababayan, alam kong natin itong aksyunan. Kababayan, umaksyon ka! Pilipinas, umunlad ka!



PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

5 comments:

Anonymous said...

hey, i need some help from you since you seem so well versed in the Filipino language. I have to make a speech about the theme maraming wika, matatag na bansa and i think it's rather confusing. Please help me. I'll be checking your blog every now and then. I hope you can help me. Thanks-
Rusty C.

Shari said...

Yun nga lang, gaya ng sabi ko sa iba, kailangan munang mamulat ang mga Pilipino sa kagandahan at advantages ng pagkakaroon ng maraming wika. Alam mo naman, halos lahat ay negatibo ang palagay rito.

mikko said...

Kuya Rusty C,

Maybe I can help you in revising. Nakakahiya naman kasi hindi naman talaga ako ganun kagaling sa Filipino eh. Anyway, I'm willing to help. ;D

mArLeNe said...

hmnn..aq din eh nagu@lahan na sa temang yan..pro nid q poh tlga maklaro kng pno nga ba maka2 2long ang mraming wika pra sa matatag na bnsa...hmn..please make it clear..kylangan q lng tlga..plss..

mArLeNe said...

please poh,,sna my mgresponse..sa thursday q na kc kylngan..pls....